Rafael nadal at Roger Federer
Sports

48,000 tickets sa laban sa pagitan ni Rafael nadal at Roger Federer, sold out sa loob lang ng 10-minuto

SA loob lang ng sampung minuto, sold-out agad ang 48,000 tickets sa inaabangang match sa pagitan ni Rafael Nadal at Roger Federer.

Ito ay matapos ilabas sa publiko nitong Miyerkules ang exhibition tickets sa nakatakdang laban ng dalawa na gaganapin sa Cape Town Stadium sa South Africa.

Ang inaabangang bakbakan ng dalawang tinuturing ng haligi sa mundo ng Tennis ay magaganap sa February 2020.

Inaasahan naman babasagin ng naturang match ang previous attendance record na may 35,681 sa match sa pagitan ni Kim Clijsters at Serena Williams sa Brussels noong 2010.

Samantala, ang ibang proceeds at kikitain sa match ng dalawa ay ilalaan sa Roger Federer Foundation.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *