4 patay, 7 ang sugatan sa pagsabog ng dinamita sa Balud, Masbate

4 patay, 7 ang sugatan sa pagsabog ng dinamita sa Balud, Masbate

PATAY ang apat katao habang pito ang sugatan sa pagsabog ng dinamita sa isang bahay sa Barangay Pajo, Balud, Masbate.

Base sa impormasyon ng Masbate Provincial Police Office mag-ala una ng hapon nang yumanig ang pagsabog.

Nangyari ang pagsabog sa bahay mismo ng kapitan na si Lina Recto na kabilang sa mga nasawi.

Ayon sa kapulisan halos hindi na makilala ang mga biktima matapos masabugan ng dinamita.

Sa ngayon inaalam na ng mga awtoridad kung kanino galing ang mga dinamita.

SMNI NEWS