4 na political party, nagsanib-pwersa para suportahan ang BBM-Sara tandem

4 na political party, nagsanib-pwersa para suportahan ang BBM-Sara tandem

NAGSANIB-PUWERSA ang 4 na political party bilang pagsuporta para sa tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte sa 2022 elections.

Nagpakita ng pwersa ang Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem ngayong araw matapos silang suportahan ng apat na malalaking political party.

Sa isang hotel sa pasay nilagdaan ang “UniTeam Alliance Agreement” o ang pagsasanib pwersa ng partido LAKAS-CMD, Hugpong ng Pagbabago, Pwersa ng Masang Pilipino at Partido Federal ng Pilipinas.

Si Mayor Sara ang Chairman ng LAKAS habang Chairman din ng Partido Federal si BBM.

Dahil sa alyansa, lumalabas na 3 dating Pangulo ng bansa ang sumusuporta sa tambalang BBM-Sara.

Ito’y dahil taga Lakas sina former President Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo habang Pwersa ng Masang Pilipino naman ni dating Pangulong Erap Estrada.

“As Chairman of the Pwersa ng Masang Pilipino, it is with pride and honor that I signify our commitment and loyalty with formidable unity and alliance in pursuit of our common agenda of peace, progress and prosperity for our beloved country,”ayon kay Jinggoy Estrada.

“Akala ko nga noon hanggang solid north at solid south lang tayo. Pero dahil sa pagbubuo ng apat na partidong ito hindi lang solid north, hindi lang solid south kundi solid ang buong bansa para sa pagkapanalo ng ating Presidente Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte-Carpio,”saad ni Governor Reynaldo Tamayo.

“Magkaisa po tayo sa ating layunin na isulong po natin ang pagbabago na inumpisahan po ng ating Pangulong Duterte na sa pamamagitan po ng ating pagsasama mas lalo nating mapakita sa taumbayan na ang tambalang ito may dignidad, may kredibilidad at may tibay ng puso para kay President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte,”dagdag ni Gov. Claude Bautista.

“We are going all in and all out for BBM and Sara team in 2022. Today, LAKAS is entering into a formal alliance with 3 other major political parties to ensure the victory of the BBM-Sara team in the coming elections,”ayon kay Rep. Martin Romualdez.

Batid naman ni Marcos na ngayon pa lang ay magulo ang pulitika sa bansa na kahit sila raw na sanay na ay nagulat rin sa mga siraan.

Ani BBM, marami pang mangyayari dahil may anim na buwan pa mula ngayon bago ang 2022 general elections.

Kaya ang solusyon nila dito ay pagkakaisa.

“So it is a tumultuous campaign in a tumultuous time in the history of the Philippines and it is with these unifying steps that we hope to bring stability back,”ayon kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“The UniTeam has done something remarkable in a time when political noise and bickering drown the issues and problems confronting the Filipino people — that is, to forge a partnership as one organization, setting aside political rivalries and differences, to become strong partners of the people and the nation. Our alliance is built on friendship, trust, and the commitment to serve the Filipinos and the country,”ayon naman kay Mayor Sara Duterte-Carpio.

Dahil sa alyansang naganap, umaasa ang BBM-Sara Tandem na maibabalik nila ang katatagan ng political system sa Pilipinas.

Samantala, wala pang pahayag ang ruling party PDP-Laban at ang iba pang political parties kung aanib rin sila sa koalisyon.

Pero kinumpirma ni BBM na kinakausap niya ang lahat ng partido.

“Marami pang major party na, I don’t want to mention, I don’t want to pre-emp pero lahat ng major parties ay kinakausap ko,”saad ni Bongbong Marcos Jr.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *