Metro

4 na katao arestado sa buy-bust ops sa QC


Timbog ang apat na katao kabilang ang isang menor-de-edad sa buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP)-District Enforcement Unit sa Apartelle Saciba, Quezon City.
    Nakuha sa target na si Jalil Lutao alyas “Mata” ang ilang gramo ng shabu at P6,600 marked money.
    Arestado rin ang kinakasama nito na napag-alamang menor-de-edad at dalawa pa nilang kasabwat na sina Bryan Jamir at Edward Piedoso.
    Aminado naman ang mga awtoridad na mahirap mahuli ang mga suspek na palipat-lipat ng apartelle para magtulak ng droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *