4 na eskwelahan sa Maynila, nakatakdang magsagawa ng physical classes

4 na eskwelahan sa Maynila, nakatakdang magsagawa ng physical classes

NAKATAKDANG magsagawa ang karagdagang apat na eskwelahan sa Maynila ng limited face-to-face classes para sa mga medical at allied health programs ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang hiling ng University of the Philippines Manila, Emilio Aguinaldo College o EAC, PHINMA St. Jude College, at National University.

Ito ay kasunod ng Joint Memorandum Circular No.2021-001 ng Commission on Higher Education (CHED)-Department of Health (DOH).

Ani Moreno, pinagkakatiwalaan niya ang lahat na magkusang magdisiplina at hinihimok din niya ang lahat ng school representatives na magpabakuna sa Maynila na naabot ang daily vaccination record na 22,066.

Sinabi rin ni Moreno na ang mga paaralan ay makakatanggap ng suporta mula sa lokal na pamahalaan kung makakapagtala ito ng COVID-19 infections sa kani-kanilang campus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *