Regional

4 na ASG patay sa engkuwentro sa Bohol


Apat ang kumpirmadong patay sa panig ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nangyaring engkuwentro sa Clarin, Bohol.
Ito ay base na rin sa isinagawang retrieval operation kagabi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).
Sinabi ni Bohol Governor Edgar Chatto, tatlong miyembro na lang ng ASG ang pinaghahanap ng mga awtoridad na sinasabing isang armas na lang ang dala ng mga ito.
Ayon kay Chatto, mahina na ang natitirang tatlong Abu Sayyaf dahil patay na ang leader nilang si Abu Rami at kanilang nagsisilbing gabay na si Joselito Melloria.
Dagdag pa ng gobernador na wala na ring pagkain ang natitirang mga Abu Sayyaf.
Samantala, nilinaw rin ni Chatto na hindi apektado ang turismo ng Bohol sa mga pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *