3rd Asian Youth Games, suspendido ayon sa Olympic Council of Asia

3rd Asian Youth Games, suspendido ayon sa Olympic Council of Asia

SUSPENDIDO na muna ang 3rd Asian Youth Games ayon sa Olympic Council of Asia (OCA) batay ito sa inanunsyo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Nakasaad na rin sa naturang post ng POC na December 20 hanggang 28, 2022 ang bagong schedule nito.

Orihinal itong naka-schedule ngayong November 20 hanggang 28, 2021 sa Shantou City, Guangdong Province, China.

Ang pagsuspinde ay dahil pa rin sa pananalasa ng COVID-19 pandemic at prayoridad umano ng organizing committee ang kapakanan ng mga atleta at lahat na kalahok o delegasyon ng bawat bansang sasali.

Huling idinaraos ang Asian Games noong 2013 sa Nanjing, China kung saan nakapag-uwi ang mga Pilipinong atleta ng dalawang gold at tatlong silver medals.

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *