378 Afghans na inilikas, dumating na sa South Korea

378 Afghans na inilikas, dumating na sa South Korea

DUMATING na sa South Korea ang 378 Afghans na inilikas mula sa kanilang bansa.

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan ng South Korea, dumating na sa Seoul ang 378 Afghans na inilikas kahapon.

Kasama sa nailikas ang mga Afghans na nagtatrabaho sa embahada ng kanilang bansa doon at iba pang mga pasilidad ng gobyerno na nagtrabaho sa nasabing bansa pati na rin ang kanilang mga pamilya, na kinatatakutan ang kanilang kaligtasan matapos ang pagsakop ng mga Taliban.

Ayon sa Foreign Ministry, isang KC-330 Tanker Transport Aircraft ang nagdala sa mga evacuees na lumapag sa Incheon International Airport (IIA) kahapon bandang alas kwatro ng hapon sa kanluran ng Seoul, matapos itong umalis mula sa kabisera ng Pakistani sa Islamabad ng madaling araw.

Sa kabuuang 391 katao na nailikas, 378 lamang ang naisakay dahil sa kawalan ng upuan sa eroplano at iba pang mga pangyayari.

Ang iba pang labintatlong indibidwal ay umalis sa Islamabad bandang alas 7:00 ng gabi sa oras ng Seoul, sakay ang iba pang eroplano ng militar, na inaasahang darating sa bansa ngayong Biyernes ng hapon.

Samantala, inihayag ng opisyal ng Defense Ministry na humigit-kumulang isandaa’t walumpu, o halos kalahati, sa kabuuang mga lumikas ay nasa sampung taong gulang pababa, kabilang ang isandaang sanggol.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *