Cagayan Valley
Regional

35, patay sa dengue sa Cagayan Valley

LABIS na ikinababahala ng mga opisyal sa Cagayan Valley ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa dahil sa dengue.

Batay sa datos ng Department of Health Region-2, mula Enero hanggang Agosto ay umaabot na sa 7,786 ang kaso ng dengue sa rehiyon kung saan 35 na ang nasawi.

Pinakarami ang nasawi sa Isabela na may 18, sinundan ng Cagayan na may 15, habang dalawa naman mula sa Quirino.

Hinimok naman ni Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Region-2 ang publiko na makiisa sa programa ng DOH na “4-oclock habit” para tuluyang mapababa ang kaso ng dengue sa rehiyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *