35 patay, dulot ng suicide bombing sa Sadr Iraq

35 patay, dulot ng suicide bombing sa Sadr Iraq

UMABOT sa 35 ang nasawi habang 60 naman ang sugatan matapos ang isang suicide bombing sa Sadr City sa Iraq.

Nangyari ang pagbobomba Lunes ng gabi kasabay ng Eid- Al-Adha Festival.

Ayon sa opisyal ng ospital, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil ilan sa mga sugatan ay nasa kritikal pa na kondisyon.

Agaran namang nagpatawag ng pagpupulong si Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi sa top security commanders upang pag-usapan ang nangyaring pagsabog.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *