35 Afghan women football players at kanilang pamilya, kukup-kupin ng UK

35 Afghan women football players at kanilang pamilya, kukup-kupin ng UK

KUKUP-KUPIN ng United Kingdom (UK) ang 35 Afghan women football players at kanilang pamilya.

Bibigyan ng Visa ng United Kingdom government ang 35 Afghan women football players para tuluyan na silang manirahan at makapagsimula ng kanilang bagong buhay sa UK.

Ito’y matapos mag-expire ngayong-araw ang temporary Visa na ibinigay sa kanila ng Pakistan.

Ang naturang mga Afghan footballers na may edad 13 hanggang 19 ay tumakas mula sa Kabul noong nakaraang buwan at kasalukuyang nagpapalipas ng ilang linggo sa isang hotel sa Pakistan.

Kapag walang bansang tatanggap sa mga ito, awtomatikong ibabalik sila sa kanilang bansa na ngayon ay nakubkob na ng Taliban.

Nagpasalamat naman kay UK Prime Minister Boris Johnson at Home Secretary Priti Patel Si Siu-Anne Marigil, CEO ng Rokit foundation na tumulong sa mga ito na tumakas sa Afghanistan, sa nasabing desisyon.

Nangako naman ang ilang British football clubs tulad ng Leeds United at Chelsea na suportahan ang mga Afghan women footballers pagdating nila sa UK.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *