public transport drivers
Metro

33 mga driver at konduktor ng bus nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga

NAGPOSITIBO sa paggamit ng iligal na droga ang 33 mga driver at konduktor ng bus sa isinagawang sorpresang random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga major terminal sa buong bansa.

Kahapon nang magsagawa ng undaspot drug test ang PDEA na bahagi ng kanilang Oplan Harabas katuwang ang LTO bilang paghahanda para sa ligtas na biyahe ngayong Undas 2019.

Sa panayam ng SMNI News kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na nagpapatuloy pa rin ang confirmatory test sa mga nagpositibo sa screening.

Ayon kay Carreon, tataas pa ang nasabing datos dahil patuloy pa ang kanilang Undaspot drug test sa Bicol Region at sa iba pang rehiyon.

Sinabi ni Carreon na hindi na pinayagan na bumiyahe ang mga nagpositibo at pansamatalang kukumpiskahin ang kanilang mga lisensya ng LTO habang sumasailalim sa rehabilitasyon.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *