SEA Games
Sports

30th edition ng SEA Games na gaganapin sa bansa, pinakamalaki – Cayetano

INANUNSYO ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang 30th Edition ng Southeast Asian Games o SEA Games na gaganapin sa bansa ay pinakamalaking edisyon sa kasaysayan ng liga.

Ito ang naging pahayag ng bagong upong House Speaker.

Dagdag pa nito na halos doble ang laki ng SEA Games na nakatakdang magsimula sa nobyembre kumpara sa mga naging unang edisyon nito.

Inaasahan din ni Cayetano na ang malaking broadcast ng naturang SEA games ay maaaring aabot sa 150 to 300 million viewership.

Kaya nabanggit nito na malaki ang tsansa na mai-showcase ang Clark, ang bansa at ang mga atletang Pilipino.

Nakatakda namang pangunahan ng House speaker ang signing ceremony at press conference kasama si Apl de Ap para SEA games sa House of Representatives ngayong araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *