3 suspek sa illegal logging sa Camalaniugan, Cagayan arestado

3 suspek sa illegal logging sa Camalaniugan, Cagayan arestado

ARESTADO ang 3 suspek sa illegal logging sa Brgy. Felipe Tuzon, Camalaniugan, Cagayan.

Naaresto ng PNP Calamaniugan ang 3 suspek sa akto habang illegal na namumutol ng puno sa kagubatan ng Camalaniugan.

Base sa ulat, ang kawani ng Calamaniugan Police Station sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Reymond Asistores, acting, Chief of Police, kasalukuyang nagsasagawa ng monitoring ang grupo para maiwasan ang illegal activities sa loob ng kanilang hurisdiksyon ng mahuli nila sa aktong pamumutol ng puno ng pakak ang 3 suspek gamit ang chainsaw.

Nang hingan ng otoridad ang 3 suspek ng permit sa paggamit ng chainsaw ay hindi ito nakapagpakita ng ano mang dokumento dahilan para arestuhin ang mga ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Bert 53 taong gulang, chainsaw operator, helper Lirio 14 taong gulang na pawang residente ng Brgy. Alilinu, Calamaniugan at farmer na si Leroy 21 taong gulang ng Bgry. Bulala ng parehong munisipalidad.

Agad na dinala si Bert at Leroy sa istasyon ng pulisya kasama ang mga nakuhang ebidensya habang ang menor de edad na suspek ay dinala sa Municipal Social Welfare and Development Office.

Binigyang pugay naman ni PNP Chief, PBGen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar at Pro2 Regional Director PBGen. Crizaldo O. Nieves ang kapulisan ng Cagayan sa pamumuno ni PCol. Ariel N. Quilang sa istrikto nitong pagmomonitor sa illegal activities dahilan para maaresto ang mga suspek.

(BASAHIN: P30-M, inilaang pondo para sa pagtatanim ng bamboo sa Cagayan River Banks)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *