police officials
Regional

3 police officials, sinibak sa pwesto dahil sa paglalaro ng golf sa trabaho

SINIBAK sa puwesto ni Philippine National Police Director General Archie Gamboa ang tatlong police officials sa Central Visayas dahil sa paglalaro ng golf tuwing araw ng trabaho.

Kinilala ang mga ito na sina Police Colonel Dennis Artil, Police Lieutenant Colonel Richard Badang, at Police Lieutenant Colonel Glenn Mayam na nakatalaga sa Central Visayas bilang regional comptroller, kasapi ng finance service, at hepe ng drug enforcement group.

Ayon kay Gamboa, ilang beses sa isang linggo naglalaro ang tatlong opisyal.

Iginiit ni Gamboa na matagal nang pinagbawal ang paglalaro ng kapulisan ng golf mula Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng oras.

Inilipat sa Camp Crame sa Quezon City ang tatlong pulis na mahaharap sa kasong administratibo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *