residential area
Metro

3 patay sa sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila

TATLO ang kumpirmadong nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay 147, Tondo, Manila.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mara Beneza, 21-anyos at mga anak nitong si Leo Lance Tequillo, 4-anyos at Andrei Tequillo, 5-anyos.

Natagpuan ang katawan ng mga biktima sa bahay kung saan nagsimula ang sunog.

Dalawa namang residente ang naitalang nasugatan sa insidente.

Ayon sa Manila Fire Protection, alas 6:17 ng umaga nang sumiklab ang sunog na agad inakyat sa ikalawang alarma dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Batay naman sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasa dalawampung pamilya ang apektado ng sunog.

Sa ngayon ay naapula na ang sunog at inaalam na ng mga otoridad kung ilang bahay ang tinupok ng apoy at ang dahilan ng sunog.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *