dulot ng Bagyong Quiel
Regional

3 patay sa pagbaha sa Cagayan dulot ng Bagyong Quiel

UMAKYAT na sa tatlo ang patay habang isa ang nawawala sa malawakang pagbaha sa Cagayan dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Quiel.

Ayon sa mga otoridad, dalawa sa mga nasawi ay mula sa bayan ng Claveria dahil sa pagkalunod at landslide habang nakuryente naman ang isang 14-anyos na naglalaro sa tubig baha sa bayan ng Aparri.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga rescuers sa isang nawawala matapos malunod habang nangingisda sa bayan ng Baggao.

Sa kabuuan ay nasa 2,373 pamilya o 8,185 katao ang inilikas mula sa walong bayan sa Northern Cagayan sa ibat-ibang mga evacuation center.

Kabilang dito ang mga bayan ng Sanchez Mira, Pamplona, Allacapan, Claveria, Baggao, Lasam, Lal-Lo at Camalaniugan.

Nasa 10 kalsada at 8 tulay ang lubog sa tubig baha at hindi madaanan.

Isinailalim na rin sa state of calamity ni Cagayan Provincial Governor Manuel Mamba ang bayan ng Claveria at Allacapan.

Nananatili namang walang pasok sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *