smuggled na sigarilyo
Regional

3 Koreano, arestado dahil sa smuggled na sigarilyo sa Cavite

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Korean na umano’y nagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa NBI, naaresto ang mga suspek na sina Young Kook Kim, Jong Kook Choi at Gee Poong Lee sa isang entrapment operation na isinagawa ng NBI-Special Action Unit Agents noong Martes.

Inaresto aniya ang mga dayuhan matapos walang maipakitang kaulang importation documents.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act sa Department of Justice.

Nakuha sa mga dayuhan ang kalahating milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes.

Sinabi ng NBI na nakipag-ugnayan sila sa local authorities, Customs Intelligence and Investigation agents, Customs police, Customs examiners, at sa Philippine Coast Guard sa pagsagawa ng operasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *