3 istasyon ng LRT-2, balik-operasyon makalipas ang mahigit isang taon

3 istasyon ng LRT-2, balik-operasyon makalipas ang mahigit isang taon

BALIK-operasyon na simula ngayong Biyernes, Enero 22 2020 ang LRT-2 stations sa Santolan, Katipunan at Anonas mula nang isara ito noong Oktubre 2019.

Kaninang alas-5:00 ng umaga nang umalis ang unang tren sa Santolan Station ng may sakay na 7 pasahero.

Pagtitiyak ni LRTA Administration Head Reynaldo Berroya, sumailalim sa lahat ng kinakailangan na test ang tatlong istasyon upang matiyak ang stability at reliability ng provisional power supply ng mga ito para sa muling pagbubukas.

Gayunman, umapela si Berroya sa mga pasahero na maglaan ng karagdagang oras sa kanilang biyahe dahil magkakaroon ng 14 minutong pagitan sa pagdating ng mga tren dahil sa ipinapatupad na 30-KM speed restriction sa Anonas Station.

Dahil sa naturang restriksyon, aabot na sa mahigit 35 minutes ang travel time mula Santolan hanggang Recto mula sa dating 28 minutes.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng pamunuaan ng LRT ang mga pasahero sa pagsunod sa safety protocols sa loob ng mga istasyon at mga tren upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Magugunitang isinasa ang 3 istasyon ng LRT-2 matapos na masunog ang isang power rectifier sa Katipunan na naging dahilan ng pagkaputol ng power supply ng mga tren.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *