2M doses ng AstraZeneca vaccines, dumating na sa bansa

2M doses ng AstraZeneca vaccines, dumating na sa bansa

BAGO mag ala-una ng hapon, dumating na sa bansa ang nasa kabuang 2,030,400 doses ng ASTRAZENECA vaccines mula sa COVAX Facility.

Lumapag sa Bay 114 ng NAIA Terminal 3 ang Airbus A350-900 ng Singapore Airlines flight SQ910 kung saan lulan ang mga naturang mga bakuna.

Sa pagdating ng bakuna, sumalubong sina Health Sec. Francisco Duque, Vaccine Czar Sec. Carlito Gavez, Jr., Covid-19 testing czar Sec. Vince Dizon, Chargé d’Affaires John Law ng US Embassy Manila, Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representative to the Philippines, Oyunsaikhan Dendevnorov, Unicef Philippines Representative at Usec Robert Borje, Office of the President.

Ang mga bakunang dumating ay donasyon ng iba’t-ibang international organizations tulad ng WHO, UNICEF AT United Nations Development Programme sa Pilipinas.

Ito na ang ikatlong batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na dumating sa bansa mula sa COVAX facility na pinangangasiwaan ng World Health Organization.

Sa kabuang bilang ng mga dumating na bakuna sa bansa ay umabot na nasa 7.5 M.

Samantala sa pulong balitaan na ginawa sa NAIA T-3, kinumpirma ni Duque na 193,000 doses ng COVID-19 vaccines ng Pfizer ang dadating sa bansa sa Lunes.

Ayon sa kalihim, ang naturang mga bakuna ay gagamitin sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at sa iba pang mga lungsod na may kakayahan para sa storage temperature ng bakuna na negative 70 degrees celsius.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *