nilagdaan
National

29 na kasunduan, nilagdaan ng China at Pilipinas

DALAWAMPU’T siyam na kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng gobiyerno ng Pilipinas at China.

Personal na sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang paglagda sa Malakanyang.

Kabilang sa nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) on cooperation on oil and gas development.

Nilagdaan ito nina Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin at Minister of Foreign Affairs Minister Wang Yi.

Nakasaad din sa nilagdaang kasunduan ang may kinalaman sa infrastructure projects.

Ito’y sa ilalim ng “Build, Build, Build” Program ng gobyernong na popondohan ng China.

Gayundin ang pagpapaunlad sa agrikultura ng Pilipinas.

Chinese, Pres. Xi, tinawag na win-win partner ang Pilipinas

TINAWAG ni Chinese President Xi Jinping na win-win partner ang Pilipinas.

Kaugnay nito, nangako si President Xi na gagawin nito ang lahat para matulungan at masuportahan ang Pilipinas.

Kabilang aniya dito ang kampanya ng gobyerno ng Pilipinas laban sa iligal na droga at terorismo.

Sinabi ni Xi na tutulong din ang China sa pagsasaayos ng mga kalsada at tulay na nasira sa naganap na giyera sa Marawi City.

Gayundin ang pagtatayo ng mga bagong imprastruktura sa lungsod.

Ito ay sa kanilang joint statement ni Pangulong Duterte.

Magbibigay din umano ang China ng taunang limampung government scholarship grants sa mga estudyanteng Pilipino mula 2019 hanggang 2021.

Nagkasundo din ang dalawang lider para sa mga Filipino teachers na magtuturo ng English language sa china.

Bukod dito, magbibigay din umano ang China ng 10, 000 toneladang bigas para sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *