sugatan
Regional

26 na pasahero sa Cebu City, sugatan matapos tumagilid ang sinasakyang bus.

SUGATAN ang 26 na pasahero ng isang mini bus matapos itong tumagilid sa National Highway sa Barangay, Liko, Sogod Cebu.

Sa 26 na pasaherong sugatan, lima dito ay nasa kritikal na kondisyon.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Raymundo Bacardo ng Sogod Police Station, biyaheng Cebu City ang naturang sasakyan nang sinubukan ng driver nito na mag-overtake dahilan kung bakit nawalan ito ng kontrol at tumagilid.

 Lulan ng mini bus ay ang 40 pasahero kasama ang driver at dalawang konduktor.

Agad namang dinala sa Cebu City ang mga sugatang pasahero upang malapatan ng lunas habang ang iba pa ay dinala sa Sogod District Hospital.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong multiple physical injury at damage to property ang driver ng bus.

 

SMNI NEWS

         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *