Elections
National

25% threshold sa 2016 VP elections, panindigan – COMELEC

Iba’t ibang grupo ang sumugod sa Commission on Elections (COMELEC) upang hikayatin ang ahensya na panindigan ang 25 percent threshold na ginamit sa 2016 national elections.

Ito ay may kaugnayan sa nagpapatuloy na recount sa mga balota ng Presidential Electoral Tribunal (pet) kung saan gamit ang 50 percent threshold.

Sa isang panayam sinabi ni dating human rights chairman Etta Rosales na hindi naayon sa konstitisyon ang naging desisyon ng PET.

Sa liham na kanyang isinumite ay hinikayat ni Rosales ang COMELEC na huwag abandonahin ang nauna nitong desisyon na 25 percent threshold.

Giit ni rosales na alam ng buong bansa kung sino talaga ang nanalo noon sa vice presidential elections at yun ay ang pinili ng taumbayan.

Matatandaan na ang vote recount ay ipinatupad ng PET base sa election protest na isinampa ni dating senador Bong Bong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ulat ni Troy Gomez

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *