botchang karne ng manok
Business Metro

235 pirasong botchang karne ng manok, nasabat sa Paco Market

NASA 235 pirasong mga botchang karne ng manok ang nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board sa Paco Market sa Maynila.

Kasunod ito ng direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno laban sa anti-botcha campaign upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamimili.

Sinabi ni Dr. Nick Santos, hepe ng VIB Food Hygiene and Regulatory Division, ang nakumpiskang mga botcha ay ibiniyahe pa mula Las Piñas City na kinatay ng hindi otorisadong establisyemento.

Tinatayang nasa 400 kilo ang mga nasabat na botcha na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P36,000.

Nagbabala naman ang alkalde sa mga negosyanteng o magtitinda na huwag magtinda ng “hot meat” sa mga palengke sa lungsod dahil masasayang lang kanilang puhunan.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *