botchang manok
Metro

235 kilo ng botchang manok, nakumpiska sa Ilaya Recto sa Maynila

AABOT sa 235 kilo ng botchang manok ang nakumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board o VIB sa Ilaya Recto sa Maynila.

Iprinesenta mismo at ininspeksyon ang mga nasabat ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa mga inspektor ng VIB, natagpuan ang mga botcha na nakatago sa ilalim ng lamesa habang nagsasagawa sila ng routing inspection sa lugar kaninang ala-1 ng madaling araw.

Wala namang naaresto sa operasyon dahil walang naabotang tao sa lugar.

Wala rin aniyang umamin o nagsumbong kung sino ang may-ari ng mga botcha.

Muli namang nagbabala si Moreno na magiging 1 to sawa ang kanilang gagawing panghuhuli sa mga nagtitinda ng botcha.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *