tour boat
International

23 katao sugatan, sa tour boat na nabagsakan ng lava sa Hawaii

Sakay ng isang Hawaiian tour boat ang isang grupo ng mga turista nito lamang Lunes upang pagmasdan ang tumatagas na lava sa dagat mula sa bulkan ng biglang mabagsakan sila ng lava.

Ayon kay Shane Turpin, ang kapitan at may-ari ng nasabing tour boat, hindi niya inasahan ang nasabing pangyayari.

Walang siyang nakitang sintomas ng isang malaking pagsabog kung kaya lumapit ang buong grupo mga 230 metro ang layo mula sa lava.

Ayon kay Turpin, habang paalis na ang nasabing tour boat ay biglang sumabog ang buong paligid.

Isang babae ang lubhang nasugatan sa naturang insidente at kasalukuyang ginagamot sa Honolulu habang dalawampu’t dalawa naman ang nagtamo ng mga paso at sugat.

Ang nasabing pagsabog ay sanhi ng tumatagas na lava sa karagatan na mula pa sa bunganga ng Bulkang Kilauea na walang tigil ang pagpapalabas ng lava dalawang buwan na ang nakakaraan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *