ang mga intsik
National

Pangulong Duterte, hahayaang makapangisda ang mga intsik sa WPS

HINDI pwedeng pigilan ang mga intsik na makapangisda sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 122nd Founding Anniversary ng Philippine Security Group ay ipinaliwanag nito kung bakit.

Ayon kay Pangulong Duterte bahagi ng historical claim ng China ang pangingisda sa South China Sea.

Sa katunayan ang bansang China ang natatanging bansa na kayang umangkin ng isang buong karagatan.

Ayon kay Pangulong Duterte bahagi ng historical claim ng China ang pangingisda sa South China Sea.

Sa katunayan ang bansang China ang natatanging bansa na kayang umangkin ng isang buong karagatan.

Sinabi din ng Pangulong Duterte na bahagi ng napagkasunduan nila ni Chinese President Xi Jinping na hindi pigilan ang mga Pilipinong mangingisda sa pinagtatalunang teritoryo.

Nagsimula kasing lumala ang tension sa West Philippine Sea matapos maganap ang standoff sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal taong 2012.

Ipinunto din ng Pangulong Duterte na sa kabila nang pagkapanalo ng PIlipinas sa UN Arbitral Ruling sa South China Sea ay hindi naman binigyan ang Pilipinas ng ganap na sovereign rights sa buong Exclusive Economic Zone natin dahil hanggang 12 nautical miles lamang magmula sa baybayin.

“We cannot drive them away because they have insisted na kanila. Tayo, idinemanda natin ang China panahon ni Aquino, which was right. Nanalo tayo, sabi ng arbitral court, “sa Pilipinas ‘yan”. Hindi ibinigay sa atin ‘yung sovereignty. Our sovereignty is only 12 miles,” ayon sa Pangulo.

Kaugnay naman sa insidente sa Recto Bank, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi banggaan ang nangyari kungi nasagi lang ng Chinese fishermen ang mga Pilipino.

Ang mali lamang dito ay dahil inabandona nila ang mga Pilipino ang idinahilan naman ng mga instik ay dahil natakot sila na baka magkagulo sila sa dagat.

“You know, pagkabunggo, ‘yang bangka to bangka, that is a mere maritime accident or incident. You do not react violently. As a matter of fact, halos kami ngayon are agreed na sideswipe. Tapsingan ba. Hindi talaga ‘yung binunggo. Kay kung binunggo, nasa ilalim na ‘yon,” paliwanag ng pangulo.

Kaugnay sa isyu na hindi pinoprotektahan ng Pangulong Duterte teritoryo ng Pilipnas, binigyang diin ng Commander in Chief na hindi nito ipupusta ang buhay ng kaniyang mga sundalo para labanan ang China.

Aniya atomic bomb ang dala ng china habang ang sa pilipinas ay kwitis na ginagamit lamang sa pista.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *