CORONAVIRUSMetro

22 mega quarantine facilities, bubuksan sa Metro Manila

WoodProfit

BILANG tugon sa suliranin ng mga ospital sa Metro Manila, magbubukas ng dalawampu’t dalawang mega quarantine facilities sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay COVID-19 Testing Czar Vince Dizon, ito ay para sa mild at asymptomatic sa COVID-19.

Aasahan naman aniya na mabubuksan ito ng pamahalaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Sinabi pa ni Dizon na ang 22 mega quarantine facilities ay maliban pa sa 2,700 beds sa mga hotels na binayaran ng gobyerno at sa ipatatayo pa sa inisyatibo ng nasa pribadong sektor sa Metro Manila.

Maliban dito, ang mga quarantine facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ay inaasahan ring magiging available sa loob ng pitong araw.

Alokasyon ng hospital beds para sa mga COVID-19 patient, pinadagdagan

Samantala, hindi talaga kulang ang hospital beds para sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging public briefing sa Malacañang kagabi.

Ani Roque, 20% lang umano ang itinalaga ng mga private hospitals para sa COVID-19 at 30% sa mga government-owned.

PHOTO JOB

Itoy sa kadahilanan na rin na may iba pang mga pasyenteng inaalagaan ang mga hospital.

Subalit bunsod sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, inaanyayahan na ngayon ang mga hospital na taasan ang alokasyon ng mga hospital beds nito.

Ani Roque, ito ang mas mainam na solusyon para matugunan ang lahat ng pasyente ng COVID-19.

Para sa mga private hospitals, mula 20% ay tataasan ito ng hanggang 30% at mula 30% sa mga government-owned ay gagawin na itong 50%.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close