21 Fil-foreigners, 65 iba pa, pasok sa PBA Draft Season 46

21 Fil-foreigners, 65 iba pa, pasok sa PBA Draft Season 46

PASOK ang 86 basketball players kabilang ang 21 Fil-foreigners sa Philippine Basketball Association (PBA) Season 46 Draft.

Nasa kabuuang 97 players ang nag-aplay para sa March 14 event ngunit 11 sa mga ito ang natanggal sa listahan kung saan 7 dito ang bigong makasumite ng mga kinakailangang dokumento.

Kabilang sa hindi nakapasok sina dating Alab Pilipinas players Jason Brickman, Brandon Rosser, at Jeremiah Gray.

Hindi rin pumasok si dating Chooks-to-Go Pilipinas Taylor Statham at Tyrus Hill na bigong makapasa sa takdang araw ng pagsumite ng mga clearance mula sa Department of Justice at Bureau of Immigration.

Bigo rin sa pagsumite ng kinakailangang dokumento sina John Paul Gulfo at Christopher Cancio.

Umatras naman mula sa draft sina JJ Española, John Paul Zarco, Ezra Ocampo, at Neiloween de Jesus.

Walang nakatakdang PBA Draft Combine ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ngunit pinayagan naman ang mga team na magsagawa ng pre-draft workouts.

Isasagawa naman ang draft ngayong taon sa pamamagitan ng birtuwal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *