2020 Tokyo Olympics, tuloy pa rin sa kabila ng banta ng COVID-19

2020 Tokyo Olympics, tuloy pa rin sa kabila ng banta ng COVID-19

TINIYAK ni Japanese Prime Minister Abe Shinzo na tuloy pa rin ang 2020 Tokyo Olympics sa kabila ng mga pangamba ukol sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Abe na itutuloy pa rin ang nakatakdang petsa sa Hulyo para sa 2020 Tokyo Olympics.

Pero ayon kay Abe, nasa kamay pa rin ng International Olympic Committee (IOC) ang bola kung tuloy o hindi ang summer games.

Sinabi naman ni Tokyo Governor Yuriko Koike, magpatutupad sila ng mahigpit na hakbang laban sa coronavirus outbreak.

Aniya, puspusan pa rin ang kanilang preparasyon para tiyaking ligtas ang sporting event.

Sa pinakahuling datos, mahigit na sa 1,400 ang kaso at 28 ang naitalang nasawi sa Japan bunsod ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *