army reservist
Showbiz

2018 Miss Universe Catriona Gray, bukas sa posibilidad na maging isang Philippine army reservist

SA humahabang listahan ng mga showbiz celebrities at personalities na sumasailalim sa training bilang army reservist ay isa na namang big name ang nagpahayag ng kaniyang willingness sa pagiging isang reserve officer.

At yan ay walang iba kung hindi si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang pagbisita sa Armed Forces of the Philippines headquarters, inihayag ni Queen Cat na bukas siya sa posibilidad na pumasok bilang isang military reservist.

Say ni Catriona, malugod niya itong tatanggapin at paghahandaan dahil isa itong paraan upang mapaglingkuran at mabigyang pugay ang kaniyang sariling bansa.

Labis naman itong ikinatuwa ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. at sinabing isa ang Pinay beauty queen sa patunay na ang kababaihan ay nagbibigay-daan sa positibong pagbabago.

Ginawaran din ng AFP Chief ang Pinay Miss Universe ng command plaque at binigyan ng Yakan Tribe “Capa del Sur”, bilang pagkilala ng hanay sa mga nagawa at tagumpay ng dalaga para sa Pilipinas.

Itunuring naman ni Catriona na isang karangalan ang makabisita sa punong tanggapan ng AFP.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *