UNANG nagpasiklab
Sports

2018-2019 NBA Season nagsimula na

UNANG nagpasiklab ang koponan ng Boston Celtics matapos payukuin ang team ng 76ers ang Philadelphia.

Sa naging opener game ng bagong regular season ng NBA.

Nagtapos ang mainit ng tunggalian ng dalawang team sa victory score na 105-87 pabor sa Celtics.

Pinangunahan naman ng player na si Jayson Tatum ang Celtics na nakapag-ambag ng 23 points at 9 rebounds.

Tumulong din sa pagkapanalo ang mga manlalarong sina Marcus Morris na naka-iskor ng 16 points at 10 rebounds.

Si Jayleen Brown na may 12 points at si Terry Rozier na nakapagtala ng 11 points at 8 rebounds.

Samantala, isang magandang simula naman para sa kampanya ng defending champion na Golden State Warriors.

Matapos makuha ang una nilang panalo sa opener game ng NBA Season 2018-2019.

Ito ay pagkaraang naungusan at naipanalo ng Warriors ang kanilang laro laban sa Oklahoma City Thunders.

Nagtapos ang kanilang laban sa score na 108-100.

Nagpasiklab naman agad ang mga Warriors superstar na sina Stephen Curry na nakapuntos ng 32 points at 8 rebounds.

Habang nakapagtala naman si Kevin Durant ng 27 points at 8 rebounds.

Hindi naman nakapaglaro ang player na si Russell Westbrook para sa Thunders dahil sa kaniyang injury.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *