illegal loggers
Regional

20 illegal loggers, arestado sa Libertad, Butuan City

NAARESTO ng Police Regional Office (PRO) 13 ang nasa 20 illegal loggers sa Libertad, Butuan City.

Base sa report, nakuha sa mga suspek ang nasa PhP 188,700 halaga ng mga undocumented lumber.

Nasa 654 board feet ng mga hot logs at lumber na karamihan ay Lawaan, Magkuno at coconut ang nasamsam mula sa mga suspek.

Ayon kay Brigadier General Gilberto Cruz, Police Regional Office (PRO) 13 director, nahuli ang suspek sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa noong June 17 hanggang July 7, 2019.

Labing-pito dito ay mga taga Surigao del Sur, dalawa sa Surigao del Norte at isa sa Agusan del Sur.

Ani Cruz, mananagot ang lahat ng mga illegal logger at kailangang harapin nila ang batas.

Patuloy naman ang operasyon PRO 13 sa kanilang kampanya kontra sa mga environmental law violators at susuportahan ang adhikain ng gobyerno na pangalagaan at ipreserba ang kalikasan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *