2 suspek arestado sa buy bust operation; P340K halaga ng droga nakumpiska

2 suspek arestado sa buy bust operation; P340K halaga ng droga nakumpiska

ARESTADO ang dalawang suspek sa ginawang buy bust operation sa kahabaan ng Roxas Blvd corner Edsa Blue Bay Walk, Barangay 76, Zone 10, Pasay City nitong Lunes.

Kinilala ang mga suspek na sina Darren Decene , 38 years at Bernabeth Barrientos, 24 taong gulang.

Nakuha sa dalawang tulak ang humigit kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa ginawang buy bust operation ng mga kapulisan sa Pasay.

Kasama sa nakuha ng mga awtoridad ang kulay silver na Toyota Wigo na may plakang IAB 9931.

Pinuri naman ng Regional Director ng NCRPO na si PMaj. Gen. Vicente Danao Jr. ang Regional Intelligence Division -NCRPO at Regional Drug Enforcement Unit dahil sa matagumpay na operasyon.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive on Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, sa nakarang SONA ni Pangulong Duterte nitong Lunes sinabi niya sa kanyang talumpati na ang labanan sa narcotics ay hindi pa tapos.

Sa kanyang panunungkulan sa nakalipas ng limang taon sinimulan niya ang giyera laban sa droga dahil nagdudulot ito sa pagkasira sa kaisipan ng mga kabataan at matatanda.

Ipinagtanggol ng Pangulo ang kampanya laban sa droga na nagbunga ng pagbaba sa krimen, napabuti ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“We still have long way in our fight against the proliferation of drugs,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang halos 3 oras na talumpati.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *