2 pribadong paaralan, ipinagpaliban ang implementasyon ng limited face to face classes

2 pribadong paaralan, ipinagpaliban ang implementasyon ng limited face to face classes

IPINAGPALIBAN ng dalawang pribadong paaralan ang implementasyon ng limited face to face classes ngayong araw, Nobyembre 21.

Ang 2 paaralan ay ang Singapore School Clark sa Mabalacat, Pampanga at Xavier University Senior High School sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang Singapore School Clark ay may ibang academic calendar habang ang Xavier University Senior High School ay kailangan pa ng mas maraming oras para sa paghahanda.

Matatandaang nasa 20 pribadong paaralan ang pinayagan ng DepEd na lumahok sa pilot implementation ng face to face classes.

Nobyembre 15 naman ng simulan ang implementasyon nito sa 100 pampublikong lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *