Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director Oscar Albayalde na nakatanggap silang ng mga impormasyon na may isa hanggang dalawang alkalde sa Metro Manila ang nagkakanlong o protektor ng mga sangkot sa iligal na droga.
Tiniyak naman ni Albayalde na walang direktang partisipasyon ang mga ito sa operasyon, tulad ng bentahan, produksyon o paggamit ng iligal na droga.
Ayon pa kay Albayalde, ang maraming sangkot sa transakyon ng iligal na droga sa kalakhang Maynila ay mga konsehal at mga nasa baranggay level.