2 Filipina Karateka, bigong makasungkit ng medalya sa karate world championships sa Dubai

2 Filipina Karateka, bigong makasungkit ng medalya sa karate world championships sa Dubai

HINDI pinalad ang dalawang Filipina Karateka na makasungkit ng medalya sa nagpapatuloy na 2021 World Karate Federation (WKF) senior world championships sa Dubai, United Arab Emirates.

Tinalo ni Lynn Snell ng Netherlands sa Repechage round ang Pinay 2019 Southeast Asian games gold medalist na si Jamie Lim sa women’s -61-kilogram division via majority decision.

Ang 2019 Southeast Asian games bronze medalist na si Sarah Pangilinan ay bigo ring makapasok sa medal rounds ng individual female kata event.

Ito ay matapos na makapagtala lamang ng iskor na 22.86 sa third round na nagresulta sa hindi pagkakapasok nito sa top six.

Maganda naman ang naitalang iskor sa unang dalawang round ni Pangilinan sa iskor na 24.94 at 24.46.

Samantala, sunod namang paghahandaan ni Lim at ni Filipino-Japanese Karateka Junna Villanueva Tsukii na una ng hindi nakausad sa senior world championships events ang Asian championships na nakatakda sa susunod na buwan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *