2 babae na biktima ng human trafficking, napigilan ng Immigration

2 babae na biktima ng human trafficking, napigilan ng Immigration

NAPIGILAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-alis ng dalawang babae na sinasabing mga biktima ng human trafficking.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na naharang ng mga miyembro ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI ang dalawang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago makasakay sa kanilang flights patungong Middle East.

Sa ulat ng TCEU, nagpresenta ang isa sa mga babae na mula Sultan Kudarat ng mga dokumento na nagpapakita na siya ay 27-anyos ngunit matapos magbigay ng salungat na sagot sa mga tanong sa interview ay inamin nito na 21-anyos lamang siya.

Habang ang isang babae naman na mula Pikit, Cotabato ay nagpakita ng travel documents na 26-anyos na ngunit sa interview ay inamin nito na 19-anyos pa lamang.

Ang minimum age requirement para sa filipino HSWS ay 23 taong gulang.

Itinurn-over na ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para matulungan sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga recruiters.

(BASAHIN: 13 babae na biktima sa human trafficking, nailigtas sa Basilan)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *