iligal na aktibidad
National

2, 000 pulis, iniimbestigahan dahil sa pagkasasangkot sa iligal na aktibidad

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police ang nasa 2,120 na mga pulis na sangkot sa kalakalan ng bawal na gamot at iba pang iligal na aktibidad.

Ayon kay Lt. Col. Renante Lambojo, hepe ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group na kabilang sa iniimbestigahan ang isang opisyal na may ranggong colonel.

Sinabi ni Lambojo na nakatanggap sila ng impormas­yon na ang nabanggit na ranking police official ay nakikinabang sa mga kinikita sa illegal drugs sa pamamagitan ng pagiging protektor dito.

Tumanggi si Lambojo na pangalanan ang nasabing opisyal.

Mula sa 2,120 na pulis na iniimbestigahan, 504 dito ay mga police official habang 1,616 ang mga police non-commissioned officers.

Nasa 36% o 763 dito ang naakusahan ng robbery extortion habang ang iba sa illegal drugs, illegal gambling, kidnapping at iba pang kaso.

Karamihan din ng mga police scalawag ay nakatalaga sa National Capital Regional Police Office o NCRPO, habang kakaunti lamang mula sa Visayas at Mindanao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *