nakidnap
International

19 na crew members ng isang Greek tanker, nakidnap ng mga pirata sa Nigeria

KINUMPIRMA noong huwebes ng operators ng isang Greek-owned crude-oil tanker na nakidnap ang kanilang 19 na crew sa Nigeria.

Inatake ang supertanker na nave constellation malapit sa Bonny Island noong martes, ika-3 ng Disyembre kung saan kasalukuyang hostage ng mga pirata ang 18 Indians at isang Turkish.

Iniwan naman ng mga pirata sa loob ng tanker ang pitong crew members habang wala namang tinamong pinsala ang barko o ang cargo nito.

Tiniyak naman ng mga otoridad na sisiguruhin nilang ligtas na maiuuwi ang mga nahostage na crew at nakipag-ugnayan na rin sa pamilya ng mga biktima.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *