Metro

1 patay, 14 sugatan sa NLEX accident

ISA ang patay habang labing apat ang sugatan matapos maaksidente ang isang AUV sa North Luzon Expressway (NLEX) bago dumating sa Meycauyan exit northbound.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng company service vehicle nang sumabog ang gulong ng sasakyan.

Tumama sa barrier ng NLEX ang sasakyan at pumasok sa service road north expressway bago tumaob.

Agad naman isinugod sa valenzuela medical center ang mga nasugatan na nagtamo ng mga sugat at galos sa kanilang katawan at mukha.
patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *