Sports

Pinakaunang Apollo Air Golf Tournament sa Davao City, matagumpay

NAGING matagumpay ang pinakaunang Apollo Air Golf Tournament sa Davao City.

Nilahukan  ito ng daan-daang mga golf enthusiasts hindi lang mula sa lungsod kundi maging sa ibayong dagat.

Pinangunahan ni Pastor Apollo Quiboloy, ang CEO ng Apollo Air Incorporated, ang ceremonial tee-off ng naturang torneyo.

Bilang isang atleta, nakahiligan ni Pastor Apollo ang pag-go-golf.

Ito ay  dahil maliban sa maganda itong sport, marami rin itong makukuhang mental at physical benefits.

Ang mga mananalo sa laro at sa raffle ay makakuha ng isang brand new Nissan Navarra, golf chart, at 6 na motorsiklo.

Nasungkit naman ni Pastor Apollo ang 1st runner up place sa Net Senior Division kung saan si Nestor Corpuz ang naging net champion.

Nakuha naman ni Adonis de Guzman ang  golf cart bilang major prize at nanalo naman ng motorsiklo si Tammy Iñigo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *