National

BIR, magsasagawa ng surprise inspection sa mga gasolinahan

MAGSASAGAWA ng surpresang inspeksyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga gasolinahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa simula sa Hunyo.

Ito ay upang madiskubre ang mga hindi nabuwisang produktong petrolyo.

Pagsapit ng Hunyo ay lahat ng delieveries sa gas stations ay namarkahan na nang mabuti ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon ito kay Revenue Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa.

Sinabi ni Guballa na layunin ng periodic inspections na matuldukan ang petroleum smuggling business sa bansa.

Dahil mahigit 30 bilyong piso ang nawawalang excise tax kada taon sa pamahalaan.

Kasama aniya ng taxmen na mag-i-inspeksyon ang mga technician ng fuel marking contractor na hinire ng Department of Finance (DOF).

Para isagawa ang aktuwal na eksaminasyon.

Dagdag ni Guballa, may kapabilidad din ang fuel testing na madetermina ang kalidad ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *