npa
National

Anibersaryo ng NPA itinuturing na “National Day of Mourning”

ITINUTURING ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na “National Day of Mourning” ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army (NPA).

Titiyakin nila na ang anibersaryo ngayong araw, Marso 29 ng NPA ang siyang huling pagdiriwang ng rebeldeng komunista.

Sinabi ito ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo.

Ayon kay Arevalo, dapat managot si Joma Sison at ang iba pang mga lider sa pagkamatay ng libu-libong mga indibidwal.

Iginiit ni Arevalo na wala nang dapat pang ipagdiriwang ang NPA.

Dahil marami na sa kanilang mga dating kasamahan ang nagbalik loob na sa gobyerno.

Sa datos ng AFP, nasa mahigit 12,500 na ang mga regular members ng NPA at militiamen ang sumuko.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *