gun ban exemption
National

Mga lumabag sa election gun ban, nasa higit 3, 000

UMABOT na sa mahigit tatlong libo ang mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban na kaugnay pa rin sa may midterm elections.

Sinabi PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac na kabuuang 3,105 na indibwal ang naaresto.

Ito ay sa mahigit 350,000 na ikinasang checkpoint operation sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 2,924 ay mga sibilyan, 32 ay pnp personnel, 44 ay elected officials at 52 ay mga security guard.

Kasama rin sa naaresto ay ilang mga tauhan ng AFP, iba pang law enforcement agencies, BJMP, civilian active auxiliary.

Gayundin ang mga dayuhan, miyembro ng threat group at mga pribadong armadong grupo.

Sinabi ni Banac na mahaharap sa kasong administratibo ang mga PNP personnel na naaresto.

Habang nasa 2,603 na mga armas at 22,930 na deadly weapon ang nakumpiska ng PNP.

Kabilang na ang firearms replica, bladed weapons, granada at iba pang pampasabog at mga bala.

Paalala ng PNP, isuko na ang mga baril na expired at itago na muna ang mga lisensyadong armas ngayong panahon ng eleksyon.

Samantala, nakapagtala ang PNP ng nasa dalawampu na election-related violence ngayong election period mas mababa aniya ito kumpara sa nakalipas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *