International

Madugong pamamaril sa New Zealand, kinondena ng Pilipinas

MARIING kinondena ng Pilipinas ang madugong pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand.

Ang nasabing pamamaril ay ikinasawi ng 49 katao at ikinasugat ng 40 iba pa.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, walang puwang ang nasabing gawain sa sibilisadong lugar.

Nag-alay naman ng panalangin at pakikidalamahati ang Malacañang sa mga biktima at mamamayan ng New Zealand.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *