National

Tamang paggamit ng voting machine, ipinaalala

KASABAY ng nalalapit na eleksyon, patuloy ang isinasagawang information drive ng Commission on Election o Comelec.

Ito ay sa tamang pagboto at paggamit ng makinang paglalagyan ng balota.

Isa sa mga dapat malaman ng mga botante ngayong eleksiyon ay ang mechanics and procedure sa paggamit ng makinarya at balota.

Ayon ito kay Mr. Leo Lim ng Comelec sa panayam ng SMNI News.

Aniya, dapat sumailalim muna ng initialization ang gagamiting voting machine.

Kung saan lalabas ang isang papel na naglalahad ng mga impormasyon.

Tulad ng lugar ng presinto at ilan ang inaasahang botante sa isang specific na cluster.

Dapat may pirma naman aniya galing sa chairman ang matatanggap nilang balota ng mga botante bago sila mag simula sa pagboto.

Hindi aniya maaaring mag over vote dahil sakaling mag-over vote ay hindi ito babasahin ng machine.

Dapat din umanong mark in full ang gagawin nila sa mga bilog.

Pagkatapos i-shade ang papel, ifefeed na ito sa machine.

Lalabas ang isang papel kung saan nakalagay ang bilang ng mga ibinoto ng botante.

Pagkatapos ang papel na ito ay ihuhulog sa isang box.

At sa huli huwag umanong kalimutan na palagyan ng ink ang kanilang daliri katibayan na tapos na sila sa pagboto.

Kasama rin sa ipinaalala ni Lim ang nakapaloob sa Election Law.

Kung saan may katumbas na parusa ang mga lalabag sa election process and machine procedures.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *