17 dayuhang misyonaryo, kinidnap ng isang gang sa Haiti; $17-M na ransom, hiningi kapalit ng kaligtasan

17 dayuhang misyonaryo, kinidnap ng isang gang sa Haiti; $17-M na ransom, hiningi kapalit ng kaligtasan

LABIMPITONG dayuhang misyonaryo na mga Amerikano at Canadian ang kinidnap ng isang gang sa bansang Haiti.

Kapalit ng kanilang kalayaan, nanghihingi ang mga kidnapper ng tig-iisang milyong piso kada misyonaryo.

Dahil dito, nasa kabuuang $17 milyon na ransom na hinihingi ng Haitian notorious gang na 400 Mawozo.

Kasalukuyang nakikipagtulungan na ang FBI agents sa lokal na awtoridad upang matukoy ang kinaroroonan ng mga kinidnap na dayuhang misyonaryo.

Samantala, ang mga naturang misyonaryo ay nagmula sa isang Ohio-Based Christian Organization.

Ayon sa pahayag ng organisasyon, limang lalaki, pitong babae at limang bata ang mga nakidnap, kabilang na dito ang isang walong buwang sanggol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *