SALN
National

Paghihigpit sa pag-access sa SALN ng mga mambabatas, tinutulan

Hindi sang-ayon ang Malacañang sa resolusyon ng kamara na higpitan ang pag-access ng publiko sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kongresista.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nanghihimasok ang ehekutibo sa internal rules at procedures na inadopt ng kongreso.

Gayunman, hindi alinsunod sa polisiya ng pamahalaan sa transparency ang resolusyon sa SALN ng mga kongresista.

Dagdag ni Panelo, tiniyak sa Article 2 ng Konstitusyon ang karapatan ng mga mamamayan sa impormasyon hinggil sa public concern at sa ilalim naman ng Republic Act No. 6713 ay magiging available sa publiko ang dokumento.

 

Maituturing na malaking dagok sa pamahalaan – VP Leni

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na malaking dagok sa mga inisyatibo ng pamahalaan para sa transparency at accountability ang mahigpit na patakaran sa pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kongresista.

Sinabi ni Robredo na nakalimutan na ng mga miyembro ng Kamara ang layunin ng SALN nang aprubahan nila ang resolusyon na higpitan ang pag-access ng publiko sa dokumento.

Isa sa tanong ng bise presidente sa mga kongresista ay kung bakit kailangang itago ang SALN.

Binatikos ni Robredo ang bagong patakaran dahil hindi ito makatwiran para sa ibang public officials.

Aniya, nais bang iparating ng nasabing resolusyon na mas espesyal ang mga kongresista at mas kailangan silang protektahan kumpara sa ordinaryong naninilbihan sa pamahahaan.

Dagdag ng bise presidente, mababawasan ang tiwala ng mga kababayan sa mga mambatatas dahil sa bagong patakaran sa paglalabas ng SALN.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *