firecracker-related injury
National

Bilang ng mga naitalang firecracker-related injury, umakyat na sa 236

UMAKYAT na sa 236 ang bilang ng mga naitalang firecracker-related injury.

Ito’y simula noong December 21 hanggang 6:00 ng umaga kanina, Enero 2, 2019.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 98 pang panibagong kaso ang nadagdagdag sa kanilang huling datos.

Pinakamarami pa rin aniya sa mga naitalang bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 35.

Sinundan ito ng Region 1 na may 22, Region 6 na may 13, Region 7 na may anim.

At Region 4-A na may limang kaso.

May apat na kaso naman na naputukan sa Region 3, tig-tatlo sa Region 5 at ARMM.

Tig-dalawa naman sa Region 4-B at Region 12 at tig-iisang kaso sa Region 2, 9 at 11.

Sa datos ng DOH, walo sa mga biktima ay naputulan ng daliri at iba pang parte ng katawan.

Habang nasa 61 bilang naman ang nagtamo ng eye injury.

Ilan sa mga paputok at firecrakers na pangunahing nagdulot ng pagkasugat ng mga biktima ay kwitis, boga, piccolo, luces at five-star.

Sinabi ni Duque na ang nasabing bilang ay 52% pa ring mas mababa kumpara sa naitalang kaso noong pagsalubong sa 2018.

At 71% na mababa sa 5-year average period.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *